Pagbili ng F-16 fighter jets, wala pang go signal — AFP

Nilinaw ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na wala pang pinal na desisyon kaugnay sa planong pagbili ng F-16 fighter jets mula sa Estados Unidos.

Bagamat ikinatuwa ng AFP ang pag-apruba ng US Congress sa bentahan ng 20 F-16, iginiit ni Brawner na patuloy pa ring pinag-aaralan ang lahat ng opsyon para palakasin ang depensa ng bansa.

Ani Brawner, saka-sakaling matuloy malaking tulong ang F-16 sa ating air defense, pero wala pa itong go signal mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Samantala, mas mataas naman ang posibilidad nang pagdating ng karagdagang 12 FA-50 fighter jets, dahil bahagi na ito ng procurement pipeline ng militar.

Facebook Comments