Naniniwala si Senate President Chiz Escudero na mapapalakas ang pambansang depensa ng bansa sa plano ng pamahalaan na bumili ng F16 fighter jets.
Ayon kay Escudero, tulad ng ibang sektor ay dapat ituring din ang national security at economic stability na prayoridad ng pamahalaan.
Maituturing aniya itong long term investment para sa pagpapaigting ng ating defense capability sa gitna na rin ng tumataas na security concern lalo na sa West Philippine Sea.
Depensa ni Escudero, hindi naman isang bagsakan ang pag-acquire ng bansa ng fighter jets dahil aabot pa ito ng apat hanggang limang taon bago matapos kaya tama lamang din na ngayon pa lang ay kumilos na ang pamahalaan.
Dagdag pa ng mambabatas, pautay utay naman ang magiging pagbayad sa 5.5 billion US dollar deal at hindi pa naman din pinal ang magiging terms of payment nito.