Pagbili ng flying coffins, dapat itigil na ng gobyerno

Pinag-iingat ni Senator Imee Marcos ang gobyerno sa pagbili ng mga eroplano at iba pang aircraft na maituturing na flying coffins o lumilipad na kabaong.

Ayon kay Marcos, ito ay upang hindi maisugal ang buhay ng mga mahal nating sundalo at maiwasang maging ulila ang kanilang mga magulang, anak at asawa.

Pakiusap ito ni Marcos sa pamahalaan kasunod ng malagim na pagbagsak ng C-130 plane sa Patikul, Sulu kung saan 50 sundalo ang nasawi at mahigit 40 ang malubhang nasugatan.


Giit ni Marcos, nakakapanghinayang ang mga nasawing sundalo na maituturing na bayani sa kanilang buwis-buhay na pagliligtas, at walang pagod na paghahatid ng tulong kapag may sakuna o kalamidad at sa oras ng kagipitan.

Facebook Comments