PAGBILI NG ILEGAL NA PAPUTOK ONLINE, MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL NG PNP

Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na huwag bumili ng ilegal na paputok at pyrotechnic devices online ngayong papalapit ang kapaskuhan.

Ayon sa PNP, mahigpit na ipinagbabawal ang pakikipagtransaksyon sa mga ilegal na online sellers ng paputok.

Ang pagbebenta at pagbili ng paputok sa pamamagitan ng internet ay may kaakibat na parusa sa ilalim ng Section 3 ng Republic Act No. 7183 o ang batas na kumokontrol sa pagbebenta, paggawa, pamamahagi, at paggamit ng paputok at pyrotechnic devices.

Dagdag pa rito, maaari ring managot sa ilalim ng Section 6 ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 ang sinumang sangkot sa ilegal na online transaksyon ng paputok.

Pinaalalahanan ng PNP ang publiko na maging responsable at sumunod sa batas upang maiwasan ang aksidente at pananagutan ngayong panahon ng selebrasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments