Pagbili ng karagdagan pang bakuna kontra COVID-19, panawagan ng Southeast Asian leaders

Kaisa si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga kapwa niya Southeast Asian leaders sa panawagang bilisan pa ang pag-procure ng karagdagang COVID-19 vaccines.

Ang panawagan ay ginawa ng pangulo sa ginaganap na 38th Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit.

Ayon kay PRRD, kinakailangang magkaisa ang 10-member Asean bloc upang magapi o matalo ang COVID-19 pandemic.


Aniya, ang daan tungo sa tagumpay sa pandemya ay mahirap pero kung magkakaisa ang lahat ay wala namang imposible na ito ay makamit.

Nanawagan pa ang pangulo sa Asean Secretariat na pabilisin ang pagbili ng karagdagang bakuna gamit ang COVID-19 Response Fund.

Giit ng pangulo, kapag mayroong sariling regional vaccine research and production facilities ang Asean ay handa ang rehiyon sa future public health emergencies.

Kasunod nito, umaapela rin ang pangulo sa iba pang Southeast Asian leaders na ipatupad ang Asean Travel Corridor Arrangement Framework upang sumiglang muli ang ekonomiya sa lalong mabilis na panahon.

Facebook Comments