PAGBILI NG MGA ANI NG MAGSASAKA, IPINANAWAGAN SA PUBLIKO

Ipinanawagan ni Union of the Local Authorities of the Philippines (ULAP) at Quirino Governor Dakila Cua, ang pagsuporta sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbili ng kanilang mga ani.

Sa ibinahaging pahayag ni Gov. Cua, mas maigi umanong bumili ng produkto o ani ng mga magsasaka upang maging tulong na rin ito sakanila ngayong panahon ng pandemya.

ipinagdiinan din ni Gov. Cua na sinusuportahan nito ang House Bill no. 3383 na may layuning gawin na mandatory sa national at local governments ang pagbili ng mga ani ng magsasaka na maaaring ipamahagi sa relief operations o kaya sa mga feeding program sa paaralan.

Ayon pa kay Gov. Cua, naisakatuparan naman na umano ang ganitong layunin noong kasagsagan ng pandemya kung kaya’y madali na lamang umano itong gawin muli.

Samantala, ang nasabing programa ay magiging malaking tulong umano hindi lamang sa mga magsasaka kundi maging sa ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments