Hinimok ni Senator Sherwin Gatchalian ang mga ahensya ng pamahalaan na huwag nang idaan ang pagbili ng mga kagamitan sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).
Kasabay nito ang panghihimok ni Gatchalian sa mga ahensya na gamitin na lamang ang sariling administrative process sa pagbili ng items at hindi na dapat idaan pa sa PS-DBM.
Nababahala ang senador dahil tila nakapagtatag ng isang centralized purchasing unit sa PS-DBM na inabuso naman ng mismong mga tauhan dito.
Matatandaang noon pa ipinapanawagan ni Gatchalian ang pagbuwag sa PS-DBM dahil nagiging kasanayan na ang paglilipat ng pondo ng mga ahensya sa PS-DBM upang hindi masita ang mababa o kaya naman ay hindi nila paggastos sa nakalaang budget.
Nanawagan na rin ang senador sa Senate blue ribbon na agad na ikasa ang imbestigasyon kaugnay sa maanomalyang pagbili ng PS-DBM at Department of Education (DepEd) ng overpriced na laptops para sa mga public school teachers na aabot sa P2.4 billion.