Tiniyak ng Department of Health (DOH) na pagsisikapan ng Pilipinas na makabili ng Molnupiravir sakaling mapatunayang may benepisyo ito sa mga COVID-19 patient.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kapag may mga ganitong bagong produkto na isinasailalim sa pag-aaral ay hindi nagpapahuli ang Pilipinas.
Aniya, tiyak na mas magiging madali na magkaroon ng access ang bansa rito dahil kabilang ang Lung Center of the Philippines kung saan nagsagawa ng clinical trial ng Molnupiravir.
Sakali aniyang maging “game changer” ang Molnupiravir, tiyak na mapakikinabangan ito ng publiko.
Facebook Comments