Pinaiimbestigahan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang ulat na pagbili ng mga napkin at thermal scanners na napakamahal kumpara sa presyo sa online at sari-sari store.
Ito ay matapos atasan ng Commission on Audit (COA) ang OWWA na bigyang katwiran ang pagbili ng P1.269 milyong halaga ng mga hygiene products sa isang construction store at trading company sa Pasay City.
Ayon kay Bello, nagulat siya sa ulat lalo at hindi nakita ng COA ang lugar na binilhan nang magsagawa ang mga ito ng ocular inspection.
Mamadaliin naman ni Bello ang imbestigasyon upang makapagpaliwanag na sa COA.
Ang OWWA ay isang attached agency ng DOLE.
Facebook Comments