Ipinahinto na ng Department of Health (DOH) ang pagbili nito ng apat na sets ng high-end laptops na nagkakahalaga ng P700,000.
Ito ay matapos na sitahin ng Commission on Audit ang ahensya dahil sa ilang spending deficiencies.
Kinumpirma naman ni DOH Usec. Leopoldo Vega ang pagpapaliban sa pagbili ng mga laptop ilang araw matapos na mabatikos ang ahensya sa pagpili ng overpriced o di kaya ay napakamahal na gamit sa kabila ng nararanasang global pandemic.
Noong nakaraang linggo, matatandaang sinita ng COA ang ilang transaksyon sa loob ng DOH na ang ilan ay tinawag nitong “excessive.”
Nilinaw naman ni Vega na walang sinabi ang COA na may nawalang pera dahil sa korapsyon habang ilan sa mga sinita ng state auditor ay naresolba na.
Facebook Comments