Pagbili ng pamahalaan ng mas maraming water purifying system na magagamit sa panahon ng kalamidad, pinapaprayoridad ng pangulo

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magkaroon ng mas maraming water purifying system na kailangang-kailangan lalo sa panahong ito ng kalamidad.

Sinabi ng pangulo, napakahalaga ng water purifying system lalo’t lantad sa ibat-ibang uri ng sakit ang mga apektadong residente ng isang disaster gaya na lamang ng paglindol.

Ilan na dito ang karamdamang gaya ng cholera at diphtheria na karaniwang tumatama sa mga displaced families sa tuwing may kalamidad.


Importante ayon sa pangulo na matingnan itong mabuti lalo na’t sa tuwing ganitong klase ng sitwasyon ay nagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng malinis na tubig.

Kaugnay nito’y inihayag ni Pangulong Marcos na mayroon na siyang alam na maaaring mapagkunan nito na aniya’y isang aid agency na nakapag-provide na rin at nagamit noong manalasa ang bagyong Yolanda.

Facebook Comments