Nanawagan ang Bureau of Fire Protection (BFP) Calasiao sa publiko na huwag tangkilikin ang bentahan ng paputok sa online.
Paliwanag ng ahensya, Wala umanong permit ang mga ito na maaaring magdulot ng mas malalang panganib.
Sa kasalukuyan nasa siyam na ang binigyan ng permit at certificate ng mga maaaring magbenta ng paputok sa Calasiao matapos makapagcomply sa mga itinakdang fire safety requirements.
Iginiit ng BFP na mula December 22 hanggang 31 lamang pwedeng magbenta ang mga ito. Samantala, sa kabila ng mga maglilipanang pagbebenta ng paputok mapa-personal o online, ay gumamit na lang sana umano ang publiko ng mga alternatibong pampaingay sa pagsalubong sa bagong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments