Pagbili ng Pfizer at Moderna vaccines, pagtutuunan na ng gobyerno imbes ang Sinovac

Pagtutuunan muna ng pansin ng gobyerno ang pagbili ng COVID-19 vaccines ng Pfizer at Moderna para sa mga Pilipino.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. malapit nang matapos ang kasunduan ng Pilipinas sa China para sa Sinovac vaccines.

Sa ngayon, mayroon nang 25 milyong doses ng Sinovac vaccines ang Pilipinas kung saan 21.5 million dito ang dumating na sa bansa.


Pinasalamatan naman ni Galvez ang Philippine embassy sa United States at ang gobyerno ng Amerika dahil sa pagbibigay access nito sa Pilipinas sa 65 milyong Pfizer vaccines at ang donasyong single-shot ng Johnson & Johnson vaccines.

Samantala, umabot na sa 4.3 million doses ng Moderna at 4.2 million doses ng Pfizer vaccines ang dumating sa Pilipinas.

Facebook Comments