Pagbili ng Pilipinas ng bakuna sa India, apektado ng pag-spike ng COVID-19 sa nasabing bansa

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na posibleng maantala ang pagdating ng binili ng Pilipinas na mga bakuna sa India.

Sa harap ito ng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa na umabot na rin sa milyon

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, itinigil muna ng India ang pagpapadala ng mga bakuna kontra COVID-19 sa iba’t ibang bansa.


Bunga nito, sinabi ni Vergeire na kailangan nilang baguhin ang strategy ng gobyerno dahil sa magiging epekto ng delivery ng mga bakuna sa Mayo hanggang Hulyo.

Partikular ang pagbabago sa paghahati ng mga inaasahang bakuna na dadating sa bansa at ide-deliver sa iba’t ibang rehiyon

Facebook Comments