MANILA – Mayroon ng basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbili ng Philippine National Police ng mga assault rifle sa Amerika.Sa press breifing sa Kampo Crame sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa, na nakausap niya ang Pangulo at nailatag ang mga prosesong ikinasa ng kompanyang “sig sauer” para sa pag-angkat ng 27,000 pirasong m-4 rifle.Nakatulong anya sa pagbabago ng desisyon ng Pangulo ang resulta ng halalan sa Amerika kung saan nanalo si Donald Trump.Matatandaan, kumontra si US Senator Ben Cardin sa pagbenta ng armas sa Pilipinas dahil sa mga nangyayaring human rights violation at extra-judicial killings sa bansa.
Facebook Comments