Pagbili ng smuggled na gulay, hindi mabuti sa kalusugan – DA

Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) laban sa pagbili ng mga smuggled na gulay mula sa China.

Ito ay matapos madiskubre ang nasa P4.7 million smuggled vegetables gaya ng carrots, broccoli at red onions sa isang warehouse sa Malabon City.

Ayon kay DA Assistant Secretary Federico Laciste Jr., may problema ang mga gulay na ito pagdating sa food safety dahil wala itong import permit.


Aniya, may banta ito sa kalusugan dahil hindi dumaan sa tamang proseso ang pagbili nito.

Facebook Comments