Muling nagpaalala sa publiko ang Food and Drug Administration na huwag tangkilikin ang COVID-19 treatment drug na Tocilizumab na nabibili sa mga black market.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, posibleng ang mga ito ay peke at substandard.
Giit ni Domingo, maaari lamang itong magresulta sa paglala ng sakit ng mga positibo sa COVID-19.
Kasabay nito, inihayag ni Domingo na may ilang indibidwal na rin ang hinuli dahil sa pagbebenta ng mataas na presyo ng Tocilizumab kaysa sa suggested retail price.
Dahil dito, patuloy na nakikipagtulungan ang ahensya para mahuli pa ang mga magsasamantala sa limitadong suplay ng nasabing gamot.
Batay kasi sa itinakdang SRP ng DOH, dapat ay naglalaro lamang ang presyo ng Tocilizumab sa pagitan ng P13,000 hanggang P25,000.