Biniling expensive house and lot ni Rep. Romualdez na front umano ang mga Discaya, bubusisiin ng Blue Ribbon sa Lunes

Bubusisiin ng Senate Blue Ribbon Committee sa Lunes ang mga ulat na bumili si dating House Speaker Martin Romualdez ng house and lot sa isang sikat na subdivision sa Makati City kung saan ginamit na front dito ang mga Discaya.

Sa pulong balitaan sa Senado ay inihayag ni Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lacson na tatlong sources na ang nagbigay sa kanya ng magkaparehong impormasyon tungkol sa naturang transaksyon ni Romualdez sa mga Discaya.

Sinisikap pa ni Lacson na makipagpulong sa orihinal na may-ari ng bahay at lupa at kung sakali ay plano nilang imbitahan din ito sa pagdinig sa susunod na linggo.

Kung sakaling totoo ay maaari itong mapasimulan ng imbestigasyon tungkol sa direktang koneksyon o link sa pagitan nina Romualdez at mga Discaya na aniya’y naka-korner ng mga kontrata mula 2016 hanggang 2025 na aabot sa P207.5 billion.

Bagama’t paiimbitahan din si Romualdez sa pagdinig sa pamamagitan ng opisina ng speaker ng Kamara, hindi naman ito maaaring pilitin na paharapin sa imbestigasyon dahil sa umiiral inter-parliamentary courtesy.

Facebook Comments