PAGBISITA | BRP Tarlac, dumating na sa Russia

Dumating na ang BRP Tarlac (LD601) sa Vladivostok, Russia para sa kauna unahang pagbisita ng barkong pandigma ng Pilipinas sa Russia.

1:15 ng hapon kahapon, oras sa Vladivostok, dumating sa port city para sa port call ang naval delegation ng Pilipinas, matapos ang 10 araw na pagbiyahe sa karagatan mula nang umalis ito sa Pier 13, South Harbor, Manila noong Sept 21.

Ang Philippine delegation na kinabibilangan ng mga tauhan ng Naval Special Operations Group, Philippine Marine Corps,
Technical and Administrative Service, Naval Reserve Command at isang Helicopter Detachment Afloat (HDA) ng Naval Air Group na pinamumunuan ni Naval Task Force 87 Commander, Capt Florante N Gagua.


Pinagkalooban ng Russian Navy Officials ang delegasyon ng Pilipinas ng traditional na welcome ceremony.

Sa kanyang pahayag, pinasalamatan ni Capt. Gagua ang Russian Government at Commander-in-Chief ng Russian Navy na si Admiral Vladimir Korolev para sa mainit na pagtanggap na ipinagkaloob sa kanila.

Layon ng naturang pagbisita ang palakasin ang kooperasyon ng Russian at Philippine Navies, sa pagtugon sa mga common maritime concerns, at pagsulong ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Facebook Comments