Pagbisita ng International Lifestyle Guru Martha Stewart sa Shopping Center sa Greenhills, ikinagalak ng alkalde ng San Juan

40

Ikinatuwa ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pagbisita kahapon ni International Lifestyle Guru and TV Host Martha Stewart sa tinaguriang Pearl Tiangge Capital ng bansa sa Greenhills San Juan.

Inilibot nina DOT Secretary Bernadeth Romulo Puyat at San Juan City Mayor Francis Zamora si Stewart para sa isang Shopping spree para sa katangi-tanging mga perlas at iba pang mga alahas na matatagpuan lang sa ating bansa.


Si Stewart na kilalang Queen ng “Do It Yourself and Craft” ay dumating ng bansa noong lunes para sa isang International Enterpreneur event na ginanap sa Sofitel Hotel noong martes.

Ipinagmamalaki ni Mayor Zamora na malaking bagay na maisama ang Greenhills sa listahan ng mga magagandang lugar sa bansa na binisita ng Lifestyle Guru.

Paliwanag ng alkalde na malaking tulong ito para ipakilala ang Turismo at Kultura ng bansa lalo pa’t si Martha ang  nakatakdang maging guest of honor sa selebrasyon ng 123rd Pinaglabanan Day na gaganapin sa Agosto 30.

Facebook Comments

From Advertisers