Umaasa si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na matutupad ang pagbisita sa Pilipinas ng mga mambabatas sa Japan bilang pagpapaunlak sa imbitasyon sa kanila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Romualdez, sa pulong ng Japan-Philippines Parliamentary Friendship League sa Tokyo ay inihayag ni Pangulong Marcos na ang pagbisita ng Japanese lawmakers sa bansa ay isang oportunidad para makita nila ang positibong resulta ng iba’t ibang assistance program na ipinagkaloob nila sa ating gobyerno at mamamayang Pilipino.
Ayon kay Romualdez, posibleng maganap ang pagdalaw nila sa bansa sa buwan ng Hulyo kasabay ng selebrasyon ng 67th anniversary of the normalization of the diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Tiwala si Romuladez na ang pagbisita ng Japanese lawmakers ay tiyak magpapalalim sa mutually-beneficial bilateral relations ng Japan at Pilipinas na pinagyaman sa loob ng ilang dekada.
Sabi ni Romualdez, daan din ito para makapagpalitan sila ng ideas, mahusay na parliamentary practices at makabagong pagtugon sa mga hamon na kinakaharap ng dalawang bansa dulot ng mga kaganapan ngayon sa rehiyon at sa buong mundo.