Pagbisita ng kinatawan ng US Embassy sa ICI, walang kinalaman sa flood control probe —Malacañang

Walang kinalaman sa anumang imbestigasyon sa mga flood control projects ng gobyerno ang pagbisita ng kinatawan ng United States (US) Embassy sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, sinabi ni Atty. Keith Hosaka ng ICI na simpleng courtesy call lamang ang naturang pagbisita upang malaman ang mandato at paraan ng pagtatrabaho ng komisyon.

Nilinaw rin ni Castro na walang napag-usapang tulong, pondo, o partisipasyon ng mga banyagang organisasyon sa mga proyekto ng gobyerno.

Dagdag pa niya, hindi ito nangangahulugang may imbitasyon o imbestigasyon mula sa mga dayuhang bansa kaugnay ng mga proyektong may tulong mula sa ibang bansa.

Facebook Comments