
Masusing iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang naging pagbisita ng mag-amang suspek sa walang habas na pamamaril sa Bondi Beach Sydney, Australia.
Matatandaan na kinumpirma na pumunta ng Davao ang dalawa at nanatili nang halos 1 buwan.
Ayon kay PNP acting Chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., biniberipika ng mga imbestigador ng pulisya ang mga lugar na kanilang pinuntahan, ang mga taong kanilang nakasalamuha, at ang mga lugar tinuluyan.
Dagdag pa nya na ang mga impormasyong ito ay mahalaga para makabuo ng malinaw na larawan ng kanilang mga aktibidad.
Tiniyak naman ng ahensya na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang security agencies bilang bahagi ng whole-of-government approach sa pagbabahagi ng impormasyon at threat assessment.
Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa mga foreign counterparts para sa beripikasyon ng intelligence information.
Kaugnay nito, muling tiniyak ni Nartatez na nananatiling nakaalerto at kontrolado ng PNP ang sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.









