Pagbisita ng Pangulong Duterte sa Isabela, Nakakataas ng Moral ayon kay Governor Faustino “Bojie” Dy III!

Cauayan City, Isabela – Nakakataas umano ng moral na mabisita ng pangulong Duterte at mabigyan ng suporta ang lalawigan ng Isabela dahil sa bagyong ompong.

Ito ang naging pahayag ni Governor Faustino “Bojie” Dy III kaugnay sa pagbisita ni pangulong Duterte kahapon dito sa lalawigan ng Isabela.

Aniya naging masaya umano ang pangulong sa kabila ng pinagdaanan ng Isabela sa bagyong ompong lalo na sa pinsala ng agrikultura.


Hiniling umano ng gobernador sa pangulong Duterte na suportahan ang pagpapaayos ng mga daan sa mga apat na coastal town ng Isabela tulad ng Palanan, Maconacon, Divilacan at Dinapigue.

Kabilang narin umano ang pagpapatayo ng maraming light house sa mga coastal towns upang makatulong sa lahat ng mga nangingisda o mga nagdadala ng ibang produkto na bumabaybay sa mga dagat ng apat na coastal towns ng Isabela.

Samantala nagpahayag ng pasasalamat ang gobernador sa lahat na nakiisa sa kooperasyon na nakamit ang zero casualty ng lalawigan.

Facebook Comments