Ikinokonsidera ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pagpapakita ng commitment para tulungan ang bansa ng European Commission kaya bumisita sa bansa si European Commission o EU Commission President Ursula von der Leyen.
Ang European Commission president ay nagsagawa ng official visit kahapon sa Malacañang.
Sa mensahe ng pangulo sa ginawang pagbisita ni EU Commission president, sinabi nitong natutuwa siya sa pagbisita nito sa bansa dahil pagpapakita aniya ito ng suporta.
Para sa pangulo ito ay pag-renew ng commitment to work sa Pilipinas.
Ayon sa pangulo, ito ay magpapanatili ng demokrasya, human rights, rule of law na common goals para sa global community.
Ito rin ayon sa presidente ay magpapalakas ng bilateral ties ng dalawang bansa lalo na sa usapin ng kalakalan, development, digital connectivity.
Una nang nakatanggap ng pagbati at pag-welcome si Pangulong Marcos mula kay Von de Leyen sa Brussels nang kapwa sila dumalo sa ASEAN-EU Commemorative Summit noong Disyembre.