Manila, Philippines – Inaantabayanan na ng mga Pilipinong nakabase sa Myanmar ang pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa bansa.
Nakatakdang magsalita sa harap ng 200 miyembro ng Filipino community ang Pangulo bilang bahagi ng 2-day visit nito sa Myanmar.
Sa pagbisita ng Pangulo, inaasahang malalagdaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Myanmar ang isang kasunduan sa food security at agricultural cooperation.
Gaya ng Pilipinas, ang Myanmar ay isang agricultural country.
Samantala, ang naturang pagbisita ng Pangulo roon ay bahagi ng selebrasyon ng ika-60 anibersaryo ng Philippines-Myanmar Bilateral Relations.
Facebook Comments