Pagbisita ni Pangulong Duterte sa Boracay sa kabila ng COVID-19 outbreak, isinisapinal pa

Isinasapinal pa kung tuloy ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Boracay sa kabila ng COVID-19 outbreak sa bansa.

Ayon kay Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr., ito ang unang beses na bibisita ang Pangulo sa isla simula nang isailalim ito sa rehabilitation noong 2019.

Layon ng pagbisita ng Pangulo na i-promote ang mga tourist destination sa bansa sa kabila ng kumpirmadong kaso ng COVID-19.


Ilan din sa mga lugar na inaasahang pupuntahan ng Pangulo ang Bohol at Cebu.

Facebook Comments