Manila, Philippines – Matutuloy na ngayong October 29 hanggang 31 ang working visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan.
Magugunitang naudlot ang dapat sana ay biyahe ni Pangulong Duterte sa Japan Nitong buwan ng Hunyo dahil sa Marawi crisis.
Inaasahang tatalakayin ni Pangulong Duterte kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang mga usapin para sa kapakanan o interes ng Pilipinas at Japan.
Maliban sa bilateral issues sa sektor ng ekonomiya, kalakalan, at seguridad ay inaasahang mapag-uusapan din ang mga bagong regional developments kabilang ang estado ng kapayapaan at katatagan ng rehiyon at tensyon sa Korean peninsula.
Bukod ito ay makikipagpulong din si Pangulo Duterte sa ilan pang matataas na opisyal ng Japanese government at malalaking mga negosyante.