Pagbisita ni PBBM sa Amerika, sesentro sa agrikultura, food security at renewable energy

Aalis na ngayong linggo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa kanilang official visit sa Amerika.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), magtatagal ito hanggang May 4 at inaasahang magpupulong sina Marcos at US President Joe Biden.

Ayon kay DFA Spokesperson Teresita Daza, sesentro ang kaniyang mga aktibidad sa pagsusulong ng agrikultura, food security, infrastructure development, renewable energy, climate change at iba pa.


Hindi pa tiyak kung may mga kasunduang malalagdaan sa pagitan ng dalawang bansa.

Maliban sa pakikipagpulong sa US leader, nakatakda rin makipag-usap ang pangulo sa mga mambabatas at business leaders doon.

Nakatakda rin itong magbahagi ng isang major policy speech si Marcos habang makikipagkita rin ito sa Filipino community sa Amerika.

Facebook Comments