Pagbisita ni Pres. Rodrigo Duterte sa White House, pipigilan daw ng mambabatas ng Amerika!

Manila, Philippines – Kung kinakailangan, magsasagawa ng kilos protesta si Massachusetts Rep. Jim MCGovern para mapigilan lang ang pagbisita ni Pres. Rodrigo Duterte sa White House.

Ito ang naging pahayag ng Chairman ng Tom Lanston on Human Rights Commission ng US Congress sa posibilidad ng pagpunta ni Digong sa Amerika sa imbitasyon ni Pres. Donald Trump.

Tila hindi kasi aniya kinikilala ni Duterte ang karapatang pantao sa Pilipinas dahil sa kampanya nito laban sa iligal na droga.


Tinawag din ni MCGovern na “badly-managed” ang sitwasyon sa marawi at ang pagdeklara ng martial law sa Mindanao ay pagpapakitang kahinaan ng Duterte administration.

Dinedma lang naman ito ng Malacañang.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar – may sariling pananaw ang US Congress at iginagalang nila ito.

Facebook Comments