Manila, Philippines – Hihintaying tapusin ang 2019 midterm elections bago mangyari ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Estados Unidos.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. – batid naman ng Pangulo na paulit-ulit siyang inaanyayahan at iniimbitahang bisitahin ang Amerika.
Sabi pa ni Locsin – mayroong “strong affection” si Pangulong Duterte para kay U.S. President Donald Trump.
Pero aminado ang kalihim na kailangan munang matapos ang halalan bago magkaroon ng eksaktong detalye ng pagbisita.
Nabatid na mismong si Trump ang nag-imbita kay Pangulong Duterte na bumisita sa Estados Unidos noong sila ay nagkita sa 50th ASEAN Summit noong November 2017.
Facebook Comments