Pagbisita ni Ukrainian President Volodymir Zelensky, hindi maituturing na karangalan sa Pilipinas -foreign relations analyst 

Hindi karangalan sa Pilipinas na na maging bisita si Ukrainian President Volodymir Zelensky.

Ito ang ipinahayag ng foreign relation expert na si Herman Tiu Laurel.

Ayon kay Laurel, hindi naman halal na presidente ng Ukraine si Zelensky.


Hindi rin umano maganda ang imahe nito dahil sa pagpayag sa proxy war ng US sa Russia.

Para kay Laurel, nautusan ng US si Zelensky na pabanguhin ang lumalaking problema sa Russia-Ukraine war.

Aniya, ang Zelensky visit ay may layong ihanda ang Pilipino para sa panibagong proxy war na posibleng mangyari sa Asya.

Nauna rito, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malaking bagay ang pagtungo sa bansa ni Zelenskyy upang mapag-usapan ang mga hamon na kanilang kinahaharap.

Aniya, ang Pilipinas ay nahaharap sa patuloy na pambu-bully ng China at tangkang pag-angkin sa territorial waters ng bansa, habang ang Ukraine ay patuloy ring pinagtatangkaang sakupin ng Russia.

Facebook Comments