Pagbisita ni US President Donald Trump sa Pilipinas para sa ASEAN summit, tuloy na tuloy na

Manila, Philippines – Tuloy na tuloy na ang pagbisita sa bansa ni US President Donald Trump sa Nobyembre.

Para ito sa pagdalo niya sa 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na gaganapin sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, handa ang Pangulo na tanggapin sa bansa si Trump.


Bukod sa mahigpit na seguridad, sinabi ng Malacañang na gusto ng pangulong iparamdam sa mga bibisitang state heads ang ipinagmamalaking Filipino hospitality ng bansa.

Makakasama ni Trump ang asawang si Melania na unang bibisita sa Japan, South Korea, China at Vietnam mula Nobyembre 3-14.

Facebook Comments