Pagbisita ni US VP Kamala Harris sa Pilipinas, inaasahang magdadala ng kapayapaan sa Asia-Pacific region

Inaasahang magdadala ng kapayapaan sa Asia-Pacific region ang pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa bansa.

Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, ang pagbisita ni VP Harris ay nangangahulugan din na ang Washington ay nasa likod ng Pilipinas laban sa territorial dispute nito sa China, sa South China Sea.

Nagbibigay rin ito ng pag-asa na posibleng maging malaya na ang paglalayag ng mga Pilipino sa naturang karagatan, at magkaroon ng ligtas na maritime security at kapayapaan sa naturang rehiyon.


Samantala, sinabi naman ng China na ang interaksyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ay hindi dapat makasira sa interes ng iba pang mga bansa.

Facebook Comments