Pagbisita ni US VP Kamala Harris sa Pilipinas, maituturing na positibo at symbolic ayon sa ilang senador

Positibo para sa mga senador ang pagbisita sa Pilipinas ni United State Vice President Kamala Harris.

Para kina Ways and Means Chairman Senator Sherwin Gatchalian at Senate Minority Leader Senator Koko Pimentel, ang pagdalaw ni Harris sa bansa ay pagpapakita ng pagkakaibigan, suporta at magandang relasyon ng dalawang bansa.

Para kay Gatchalian, ang pagbisita sa bansa ng pangalawa sa pinakamataas na opisyal ng Estados Unidos ay isang simbolo na binibigyan tayo ng importansya at pagkilala ng Amerika.


Makakatulong aniya rin ito sa paghikayat ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa, gayundin ang pagbibigay proteksyon sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) lalo’t maraming overseas workers sa Estados Unidos na tinatayang nasa 3 million.

Sinabi naman ni Pimentel na ‘symbolic’ ang pagbisita ni Harris sa bansa dahil pagpapakita ito na itinuturing ng dalawang bansa na mahalaga ang relasyon nila sa isa’t isa.

Tiwala rin si Pimentel na hindi mamasamain ng China ang pagdalaw sa bansa ni Harris dahil batid naman ng China ang kanilang limitasyon at teritoryo naman ng Pilipinas ang pinuntahan ng US Vice President.

Facebook Comments