Pagbisita sa mga Puntod ngayong UNDAS 2020, Sinimulan ng Ipagbawal

43

Cauayan City, Isabela – Hindi katulad ng mga nagdaang Undas, linukob ng katahimikan ngayon ang mga sementeryo dito sa lungsod ng Cauayan.

Ito ay dahil sa pansamantalang pagbabawal ng Inter-Agency Task Force (IATF) na pagbisita sa mga sementeryo mula October 29 hanggang November 4.


Sa bisa ng Executive (EO) 67 na pinirmahan ni City Mayor Bernard Dy, mula ngayong araw ay walang pinapayagang bumisita sa alinmang sementeryo ng lungsod, alinsunod na rin ito sa nauna nang ipinalabas na kautusan ng IATF.

Bago pa man ang araw na ito ay naging limitado sa 30 hanggang isang oras ang pagbisita sa mga sementeryo.

Nauna na ring ipinagbawal ang anumang gawain sa loob ng mga sementeryo maliban sa paglilinis at pag-aalay ng dasal.

Sa museleo ni dating Governor Faustino Dy Sr. ay maagang nag-alay ng bulaklak ang kanyang mga mahal sa buhay bago pa sumapit ang October 29.




Tahimik din ang sitwasyon sa mga Chinese Cemetery sa lungsod ng Cauayan.

Una nang pansamantalang ipinagbawal ng IATF ang pagbisita sa mga sementeryo dahil sa banta ng COVID 19.

Facebook Comments