Pagbisita sa San Francisco, susuporta sa innovation agenda ng Pilipinas ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Makakatulong sa innovation ecosystem ng Pilipinas ang biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kanyang delegasyon sa San Francisco Bay Area.

Sa talumpati ng pangulo sa Filipino community, kinilala nito ang California bilang mahalagang trade at investment partner ng Pilipinas.

Ayon sa presidente, kabi-kabilang business meetings ang dadaluhan at dinadaluhan ng kanyang delegasyon sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) meeting.


Partikular aniyang target nila ang exchanges at partnerships na naka-angkla sa national innovation agenda framework ng bansa.

Tinukoy rin ng pangulo, ang energy security sa mga sektor na prayoridad matalakay sa kanyang pakikipagpulong sa mga business company sa Amerika.

Una nang iinihayag ni PBBM, na umaasa siyang sa loob ng apat na araw nilang pananatili sa San Francisco ay maseselyuhan ang mga kasunduan sa iba’t ibang kumpanya sa larangan ng digital infrastructure and connectivity, renewable energy, electronics manufacturing, health, at tourism.

Facebook Comments