Manila, Philippines – Tutol ang prosekusyon sa hilingnina dating Vice President Jejomar Binay at dating Makati Mayor Junjun Binay namakapag-pilgrimage sa Israel sa Mayo.
Para sa mga abogado ng gobyerno flight risk ang mag-amangBinay dahil sa nakabinbing mga kaso ng kanilang pamilya.
Kaya naman sa kanilang comment opposition, iginiit ng Office of the Special Prosecutor sa ilalim ng Ombudsman na dapat tanggihan ng Sandiganbayanang hirit na biyahe ng mga binay mula May 15 hanggang 29.
Binanggit ng prosekusyon na bibiyahe ang mag-amang binaykasama ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya kabilang si Dr. Elenita Binay nanahaharap rin sa kasong graft at malversation.
Maituturing rin umanong flight risk ang mga ito dahilwala silang ipinakitang ibang personal o professional reasons para kailanganinnilang bumalik sa Pilipinas.
Gayundin, dapat limitado lamang daw ang right to travelng mga Binay lalo’t ang agrabyadong partido sa kanilang kaso ay ang bansa at angmga Pilipino bukod pa sa 2 bilyong piso ang pera ng bayan na pinag-uusapandito.
Pagbiyahe ng mag-amang Binay sa abroad, hinarang ng prosekusyon
Facebook Comments