Hindi pa rin inirerekomenda ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagpalaot ng mga motorbanca at iba pang maliliit na sasakyan pandagat sa Davao region.
Ito ay kahit pa inalis na ang suspensiyon sa pagbiyahe ng mga sasakyan pandagat matapos maging LPA na lamang ang dating bagyong Kabayan.
Sa abiso ng Coast Guard Station Davao sa Davao City, pinapayuhan pa rin ang mga marino na sakay ng mga maliliit na sasakyan pandagat na manatili sa mga pantalan o bumalik sa ligtas na mga daungan.
Para na rin sa kaligtasan ng lahat, hiningi ng PCG ang kooperasyon sa pagpapakalat ng impormasyon at pag-iwas muna sa pagbiyahe habang maalon pa dulot ng sama ng panahon.
Sa datos naman ng PCG, naitala nilacang nasa 20,611 na outbound passengers at 18,016 na inbound passengers ang bumiyahe sa iba pang pantalan sa buong bansa.
Ito’y sa ilalim ng OPLAN BIYAHENG AYOS: PASKO 2023 kung saan nananatili ang district, station, at sub-stations ng PCG sa heightened alert hanggang January 3, 2024 para sa inaasahang dagsa ng pasahero.