Pagbiyahe ng mga pasahero, posibleng tumagal pa hanggang ikalawang linggo ng Enero 2025

Inaasahang tuloy-tuloy pa rin ang pagdagsa ng mga pasahero kahit tapos na ang Pasko at Bagong Taon.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Immigration Spokesperson Danna Sandoval batay sa kanilang projection ay tatagal pa ang pagbiyahe ng publiko hanggang ikalawang linggo ng Enero.

Ang iba sa mga ito ay mga pauwi na galing sa bakasyon nang nagdaang holiday season.


Kaya paalala ni Sandoval sa mga babyahe lalo na sa mga mag-a-abroad o galing abroad na mag-fill up nang maaga ng e-travel o 72 hours bago umalis o dumating.

Libre aniya ito kaya’t huwag magpapaloko sa mga website na nagsasagawa ng phishing information at nanloloko o naniningil.

Facebook Comments