PAGBIYAHE NG VCMs AT ELECTION PARAPHERNALIA SA POLLING CENTERS SA JONES, ISABELA, NAGING MAAYOS

Cauayan City, Isabela- Walang naging problema sa ginawang paghahatid ng mga gagamiting Vote Counting Machines o VCM sa mga polling centers sa bayan ng Jones, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng iFM Cauayan sa imbestigador ng PNP Jones, kasalukuyan nang nakaalerto ang mga pulis, sundalo at iba pang mga tauhan ng ahensya ng gobyerno sa mga barangay na pagdadausan ng halalan bukas, May 9, 2022.

Noong ika-5 ng Mayo pa naihatid sa bawat polling precincts ang mga VCMs at eleksyon paraphernalias at nakapagsagawa na rin ng testing at sealing kung saan nagkaroon lamang ng bahagyang problema subalit naayos din.

Mula sa 42 barangay na sakop ng Jones, 60 voting precincts lamang ang gagamitin mula sa 42 na itinalagang polling centers.

*Inaasahan naman sa lugar ang zero election*-*related incident o payapang pagsasagawa ng eleksyon.*

Ang bayan ng Jones ay kinategorya sa “Red area” subalit hindi maituturing na areas of grave concern dahil wala namang naganap na patayan o barilan sa mga kandidato noong nakaraang eleksyon maliban lamang sa sinunog na VCMs at balota noong nakaraang 2019 elections.

Saman tala, mahigpit rin ipinatutupad sa nasabing bayan ang Liquor Ban na magtatagal hanggang bukas o mismong araw ng eleksyon.

Facebook Comments