Pinayagan na rin ng Court of Tax Appeals (CTA) na makabiyahe papuntang Oslo, Norway ang Rappler CEO na si Maria Ressa sa December 8 hanggang 13 para tanggapin ang Nobel Peace Prize nito.
Ayon sa CTA, walang sinumang tumutol sa hanay ng prosecution kung saan kumakatawan ang Department of Justice (DOJ) at Bureau of Internal Revenue (BIR) para pigilan ang pagbiyahe ng mamamahayag.
Pero paalala ng CTA kay Ressa, sundin nito ang travel guidelines at restrictions na ipinatupad ng gobyerno para sa mga international arrivals.
Una na ring pinayagan ng Court of Appeals (CA) si Ressa na makalabas ng bansa pero kailangang umuwi muna ng Pilipinas mula sa Boston, USA bago siya lumipad muli patungong Oslo.
Si Ressa ay convicted sa kasong cyber libel na isinampa ng negosyanteng si Wilfredo Keng.