Manila, Philippines – Sa tingin ni Senator Panfilo Ping Lacson, nangnganib na tuluyang mamatay sa senado ang panukalang pagbabalik ng parusang bitay sa bansa.
Ayon kay Lacson, hindi naman porke nakapasa sa kamara ang isang panukala ay kailangan din itong maipasa sa senado.
Lahat aniya ng panukala, kasama ang death penalty bill ay pagbobotohan pa nilang mga senador.
Aminado si Lacson na mukhang hindi makakakuha ng majority vote ang death penalty bill dahil maraming senador ang nagpahayag ng pagtutol dito.
Maging si Senate President Koko Pimentel aniya ay inaasahang boboto kontra din sa nabanggit na panukala.
Sa pagbabalik ng sesyon ngayong Enero ay nakatakdang ihain ni Senator Manny Pacquiao sa plenaryo ang death penalty bill.
Facebook Comments