Pagboto mula 5AM hanggang 7AM sa BSKE, ipinaalala ng isang kongresista sa senior citizens

Sa darating na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections o BSKE sa October 30 ay maaaring bumoto ang mga senior citizen mula alas-5:00 hanggang alas-7:00 ng umaga.

Paalala ito ni Committee on Senior Citizens Chairman at Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes sa lahat ng lolo at lola na boboto para sa BSKE.

Ayon kay Ordanes, sila ay kaisa sa mga nakiusap sa Commission on Elections o COMELEC para magkaroon ng early voting hours para sa senior citizens, persons with disability, at mga buntis.


Binanggit ni Ordanes, na sa pagboto ng nabanggit na mga indibidwal ay maaari silang samahan o tulungan ng kapwa botante.

Sabi ni Ordanes, ang nasabing pakiusap sa Comelec para sa “early voting hours” ay habang hindi pa naisasabatas ang panukala hinggil dito o ang House Bill 7576 na lumusot na sa Kamara pero hind pa nakakapasa sa Senado.

Facebook Comments