Tuesday, March 24, 2026

Pagboto sa impeachment kay VP Duterte, base sa konsensya at ebidensya at hindi sa pera

Hindi alam ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, kung saan nanggagaling ang alegasyon ni Navotas Rep. Toby Tiangco na maari umanong magamit ang “for later release” na mga pondo para hikayatin ang mga kongresista na bomoto pabor sa impeachment kay Vice President Sara Duterte.

Giit ni Chua, boboto ang mga kongresista sa impeachment base sa kanilang konsensya at mga ebidensya at hindi dahil sa pera tulad ng akusasyon ni Tiangco.

Ayon kay Chua, lahat ng tinatalakay sa House Committee on Justice ay suportado ng mga ebidenya na napanood din ng taumbayan dahil ang presoso ay nakalive naman sa telebisyon at social media.

Binanggit ni Chua na hindi pa rin nasasagot ni VP Duterte ang mga alegasyon sa kanya na nakapaloob sa mga reklamong impeachment.

Para kay Chua, dapat harapin at patunayan ni VP Duterte na hindi totoo ang mga akusasyon sa kanya para malinis ang kanyang pangalan at wala syang extra baggage sa kanyang pagtakbo sa pagkapangulo si VP Sara sa 2028 Elections.

Facebook Comments