Manila, Philippines – Suportado ni Senador Richard Gordon na buksan muli sa Senado ang imbestigasyon ng pork barrel scam.
Ayon kay Gordon – layon nito na maiimbestigahan na rin ang iba pang sangkot sa PDAF scam na hindi pa kabilang sa nakasuhan.
Sinabi naman ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero –pinag-aaralan na niya ang posibleng pagsusumite ng resolusyon para muling buksan ang nasabing imbestigasyon.
Dagdag pa ni Escudero – sisilipin niya kung ano ang ipa-prayoridad sa sariling imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) at kung lumitaw na target lang nito ay ang oposisyon.
Ayon pa kay Escudero – kung sakaling maging state witness si Napoles ay sana’y huwag siyang gamitin ng gobyerno para maghiganti sa oposisyon o sa nakaraang administrasyon.
DZXL558