Pinag-aaralan na ng pamahalaan na buksan ang mga gym sa ilalim ng pagpapatupad ng alert level system sa Metro Manila.
Kasalukuyang nakasailalim ang Metro Manila sa Alert Level 4 kung saan tanging mga restaurant at salon lamang ang pinapayagang mag-operate sa limitadong kapasidad.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, ipinapanukala na nila sa Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan na ring buksan ang 10% capacity ng gym.
Ito ay dahil na rin sa prinsipyong nakakatulong ang pag-e-ehersisyo para mapataas ang immunity ng isang tao.
Sakaling aaprubahan, ay maaari rin aniya nilang i-require sa mga gym na maglagay ng air purifiers.
Facebook Comments