Pagbubukas ng 2024 National School Press Conference, pinangunahan ni Vice President Sara Duterte sa Carcar City, Cebu

Courtesy: Explained PH Facebook page

Pinangunahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pagbubukas ng 2024 National School Press Conference (NSPC) ngayong araw.

Ang naturang school press conference ay tatagal hanggang sa July 12 kung saan magsasama-sama ang mga campus journalist sa buong bansa para maglaban sa iba’t ibang larangan.

Pinaalalahan din ni VP Sara ang campus journalists na huwag magsulat ng kasinungalingan.


Binati rin ng Pangalawang Pangulo ang lahat ng kalahok sa kompetisyon at umaasa ito na magiging magatumpay na journalists ang mga ito sa darating na panahon.

Samantala, anim na national events ng DepEd ang isasagawa sa Cebu ngayong Hulyo kabilang dito ang National Festival of Talents (NFT), National Schools Press Conference (NSPC), Palarong Pambansa, National Learning Camp Appreciation Day, National Learner’s Convergence, at ang National Launching and Kick-off of Brigada Eskwela.

Facebook Comments