Pagbubukas ng ASEAN Socio-Cultural Community Meeting, sesentro sa proteksyon sa karapatan ng mga migrant workers at pangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan

Magiging sentro sa pagbubukas ng 22nd Senior Officials Committee for the ASEAN Socio-Cultural Community (SOCA) meeting ang dalawa sa anim na prayoridad ng ASEAN 2017 summit.

 

Sabi ni SOCA Undersecretary Florita Villar, isusulong dito ang proteksyon sa karapatan ng mga migrant workers; pangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan, kabataan, persons with disabilities, matatanda at internally displaced at indigenous people.

 

Tatalakayin din kung paano mapapangalagaan ang kultura ng mga bansang kasapi ng ASEAN at ang pagkakakilanlan o cultural identity ng grupo bilang isa sa maimpluwensiyang organisasyon.

 

Pag-uusapan din aniya kung paano matutugunan ang mataas na bilang ng malnutrisyon sa rehiyon at pagpapalawak ng access ng mga mamamayan sa healthcare.

 

Dagdag pa ni Villa, kailangan ding isulong ang kapakanan ng kapaligiran at mag-isip ng mga paraan upang malabanan ang climate change na isa sa itinuturong dahilan ng mga eksperto sa malakas na mga bagyo, tagtuyot at iba pang kalamidad na tumatama sa Southeast Asia.

Facebook Comments