Pagbubukas ng bagong academic year, posibleng mapaaga – DEPED

Posibleng mapaaga pa ang pagbubukas ng Academic Year (AY) 2022-2023 ayon sa Department of Education.

Sabi ni Undersecretary Nepomuceno Malaluan, nakadepende na sa magiging bagong administrasyon kung magkakaroon sila ng adjustments sa petsa ng pagbubukas ng bagong School Year.

Magiging basehan din aniya rito kung magtutuloy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa sa mga susunod na buwan.


Sa ngayon, inaasahang lalabas ang school calendar para sa ay 2022-2023 sa Mayo o Hunyo at maaari pang mabago.

Samantala, nasa 6,925 paaralan na sa buong bansa ang handang lumahok sa “progressive expansion” phase ng face-to-face classes kung saan 6,122 rito ang nagsimula na ng kanilang limited in-person classes.

Facebook Comments